Pinalawig ng Santa Clara County ang Umiiral na Evacuation Warning Zone upang Isama ang Bloomfield Avenue Area sa South County

Pinalawig ng Santa Clara County ang Umiiral na Evacuation Warning Zone upang Isama ang Bloomfield Avenue Area sa South County


January 15, 2023 at 12:00 PM

Ang Malakas na Ulan, Malakas na Hangin, Pagbaha, Pagbagsak ng mga Puno, Pagkawala ng kuryente, at Mababaw na Mudslide ay Lahat na Posibleng Panganib



SANTA CLARA COUNTY, CALIF. – Ang County ng Santa Clara ay nagpalawig ng mga kasalukuyang evacuation warning upang isama ang mga miyembro ng komunidad na naninirahan sa mga watershed na lugar sa kahabaan ng Bloomfield Avenue Area – sa pagitan ng Highway 25 at 152, at timog ng Bloomfield Avenue hanggang sa County line – dahil sa lagay ng panahon at potensyal na panganib ng pagbaha sa pangkalahatang publiko at ari-arian.


Ang naunang evacuation warning zone ay pinalawak dahil sa dalawang levy breaches sa San Benito County na katabi ng expanded zone area sa Santa Clara County, at ang panganib na ang tubig sa magdamag ay maaaring patuloy na makapasok sa Santa Clara County mula sa mga levy break.



MGA LUGAR NA NASA ILALIM NG EVACUATION WARNING: 


Ang umiiral na evacuation warning zone na itinalaga noong Biyernes, Enero 13 ay pinalawak upang isama ang:


Bloomfield Avenue sa pagitan ng highway 25 at 152 at timog ng Bloomfield Avenue hanggang sa  County line

Ang mga miyembro ng komunidad na naninirahan sa mga lugar na ito ay dapat ipunin nila ang kanilang mga miyembro ng sambahayan, mga alagang hayop, mga personal na gamit, mahahalagang dokumento, mga iniresetang gamot, pamalit na damit, hindi nabubulok na pagkain, tubig, sobrang baterya, flashlight, at charger ng telepono. Dapat silang maging handa upang lumikas sa isang ligtas na lokasyon.


Ang San Martin Lion’s Club ay matatagpuan sa 12415 Murphy Ave sa San Martin, CA 95949 ay bukas na ngayon para sa mga miyembro ng komunidad na lumikas mula sa winter storm. Ang shelter na ito ay accessible, at lahat ng service animal ay tinatanggap.  


Hinihikayat din ang mga miyembro ng komunidad na lumayo sa mga kalsada, creek bed, daluyan ng tubig at rumaragasang tubig. Para sa karagdagang impormasyon sa kaganapan ng winter storm, mangyaring pumunta sa www.PrepareSCC.org/Flood. 


日期:2023/02/20点击:10